Finals Exam | Monday, October 16, 2006
dahil kay Milenyo nabawasan ng 1 week ang 1 month sembreak namin... haha, hanggang ngayon kaya di ko pa nafefeel ang sembreak na yan...

W
Information Technology 7:30 - 10:30 Rm 203
grabe!!! nalate ako!!! nakakahiya... tapos wala pa akong seat kasi nakaarrange sila ng 3 seats per table sa parasitology lab (yung favorite kong room...puro jars ng mga bulate!! haha. kaya lang...dun din yung window ni mr. allan...grrr..haha.) kakaikot ko sa room, may mabait na nagusog ng chair at siningit ako ^_^ thank you! hirap ng exam kahit mulitple choice lahat. may items pa na uulit-ulitin yung tanong...eh yung tanong na yun yung di mo malaman ang sagot! haha. tuloy, ako na yung huling natapos... ayoko na malate...hehe

Philosophy of Man 2:30 - 5:30 Rm 405A
aral kami ng aral sa library...tapos bigla naming nalaman... si Fr. Amaro (prof namin) nakalimutang gumawa ng exam?!?!?! kumusta naman yun?!?!?! argh.. madadagdagan pa kami ng aalalahanin... madadagdagan pa ng araw yung pasok namin?! haay... talaga naman.. last day na nga namin siyang makita ganun pa. hindi na nga umaattend ng class kahit make-up classes!!! ewan.. iniisip nalang namin..."marami siguro siyang binebless sa hospital kasi marami sigurong namamatay pag imimeet nya na kami..."

Th (killer exams!!!)
Related Learning Experience (RLE) 7:30 - 10:30 Rm 309
ito yung inaaral ko ng magdamag na muntik na akong makatulog dahil sa coffee!!! pambihira! (haha...pls. refer to my previous post ^_^) woah! cover to cover ba naman kasi... ang kapal kaya ng Funda! (book namin, fundamentals of nursing) pero nakaya ko! i just need to read them para maremind ako... kailangan talagang umasa sa stored knowledge...

hinahanap ako (class secretary) ni sir andres (I.T. prof) kasi kailangan kong sulatan yung class cards namin ng names, etc. tapos nung pinass ko na sa kanya sa rm 306 after kong isulat, sabi nya ako raw highest sa finals! wow! thank you po, Lord. kailangang bumawi eh...hindi ako satisfied nung previous exams....

Primary Health Care (PHCare...hehe) 2:30 - 5:30 Rm 405 A and B
nag-aral lang kami after ng first exam kasi nung natapos kong aralin, este basahin yung RLE ng 2am... i tried to study for this major subject kaya lang feeling ko talaga mapapatungan yung inaaral ko for RLe..haha. well, mahirap parin... pero better kaysa nung midterms... stored knowledge and reasoning lang talaga ^_^

F
Physical Education (swimming) 11:00 - 2:00 Rm 304
Akalain nyong exempted ako?!?! haha. ang nakakagulat dyan eh..na-exempt ako kasi umatend ako ng swimming competition namin sa Ateneo! buti nalang kahit nilalagnat ako nun, pumunta ako kasi di alam ng friends ko papuntang ateneo...ako lang may alam kaya sinamahan ko sila. yeah! so, i don't need to take the essay exam ^_^ natulog nalang ako maghapon.

M
Statistics 11:00 - 2:00 Rm 211
nakakaiyak....hindi ako makapag-aral kagabi kasi i'm so occupied with my nightmare!! (haha, nightmare kasi yung nangyari sa Stat midterms ko talaga!) so, gumising ako ng maaga para mag-aral sa library. haay... bahala na. solve. solve. solve. lahat na ng pwedeng solutions nilagay ko talaga para di na mangyari yung sa midterms kong..grabe!! (careless kasi talaga ko minsan eh...) may natapos na sa aming isa...oh well, sya naman yung laging unang natatapos (kasi gusto na nyang unuwi..). nagulat ako, tapos na rin ako..ako yung second!?! so, chineck ko yung solutions ko..baka may mali akong ginawa, ang tagal pa nila eh... eh wala naman yata... i hate math... haha.

T
Health Ethics 2:30 - 5:30 Rm 405 B
hmm...nakakatamad na...last exam... haha ^_^ naghighlight lang ako ng book kagabi..tapos bukas yun na yung babasahin ko, hapon pa naman exam eh.. (tamad!!) darating nga pala yung tita ko ngayon from U.S.!!! habang naghihintay, nakatulog ako... nakatuog ako ng nakatulog!!! kaya nung dumating sila, umalis na ko para mag-aral sa library! hindi ako makaaral sa bahay kasi tulog ako ng tulog! sa library kasi bawala matulog dahil sa mataray na buntis haha. one time kasi, masakit na mata ko nung nag-aaral ako ng stat...tapos pinikit ko lang mata ko sa table at pagdilat ko, nandun na siya sa tabi ko..haha.

ayan, exam na... yey! makikita ko na uli (for the last time) si Dr. Ampil...favorite! ^_^ before sya magbigay ng papers, nakita kong nakabuklat sa billof rights ng dying patients yung book ni joyce... ay! nakalimutan ko pala yang basahin!!! sabi ko, babalikan ko yun eh..wala na... tapos nung magbibigay na si prof ng papers.. bigla naming nalaman na cover to cover pala yung exam! huwaaaat?!?! patay... hindi nya kaya sinabi, ang alam namin...finals lang..yung 4 chapters na nakakaloka. hindi ko nga alam kung marami bang stored knowledge eh...haha..haay, anyway... basta lagot kasi nagpa-enumerate ng bill of rights sa huli...argh..hula na lang... ayan, kasi di man lang binasa... sorry, Lord... you deserve my best pa naman..

W
kailangan pa tuloy naming pumasok...kung kailan walang pasok... si father talaga! haha. nagpapasa siya ng reflection about phenomenology of man, love or death for our Philo finals. pinagpuyatan ko yun! tapos, nagmamadali akong pumunta ng school... ipapasa ko na talaga eh! so, ayan...binubuksan ko na yung file case ko... tapos... hala, bakit wala!!! **tugoinks!** hindi ko pala naprint?!?!?! patay...malapit na yung deadline, buti malapit lang bahay ko! haha.. thank you po, Lord ^_^
*r0Vy* | 7:59 PM





pambihira... | Thursday, October 05, 2006
4am na ako natulog because of my two major (killer) exams this day...

coverage: from prelims to finals! woah!

feeling ko nun..hindi talaga ako matutulog... kaya naghanap ako ng pampagising! hanap ng extra joss... ay, naubos na pala ni kuya... parang gusto kong itry na wag kumain para maiba... yun ang pampagising ko talaga eh :D so, pinatulan ko na yung nag-iisang 3in1 cofee sa fridge (kasi hindi naman ako marunong magtimpla ng coffee dahil hindi naman talaga nagcocoffee sa bahay). naiintriga lang kasi ako kung nakakapampagising ba talaga yun (kahit alam kong inaantok ako sa coffee!!!!) gaya ng 'wonders' na nagagawa niya sa mga gabi ni charra (frend kong nakakailang cups ng coffee pag nagrereview!). ok...timpla... kahit nakaka-PKU to... hala! haha, pwede na... (PKU means phenylketonuria...nurse?! haha)

pagkainom ko... nagbasa na ako... maya-maya...

"bakit tinry ko pa??????!.........."

ang tanging nasabi ko habang ako'y napapapikit na... hahaha. kala ko pwede na kapag sa ganitong pagkakataon. oh well, cannot be talaga.... tama nga! coffee is not a good stimulant! haha.

so, nilabanan ko ang antok ko! nagbukas ng fridge at nilabas ang pinakatago-tago kong fuji apple (favorite!). nireserve ko talaga yun for this review thing eh! kasi nga sabi sa nabasa kong trivia... apples are better stimulants than coffee! hiniwa ko agad yung apple at kinain kasi antok na antok na talaga ko....

yey! natapos akong magbasa ng buong prelim to final topics! pero for RLE palang... i just have to rely on my stored knowledge kasi kung hindi ako magbabasa (iba ang aral sa basa eh), hindi ko makocover yung coverage na yun :D

ok naman yung exam. after nun...nagsulat ako ng names sa I.T. class cards namin. (close na kami ni sir andres ha.... haha. binigay nya cel no. nya?! wahaha. aww..mamimiss ko yun si sir...)

aral naman (ay, basa pala..) for the other killer exam after around 4 hours! PHCare! (Primary Health Care ^_^) haay... natapos ako on time sa pagbabasa at medyo pagsasaulo syempre :D 2pm ang exam namin... tapos 3pm na, wala pang umaakyat na proctor?! so, nagpasama si VP charly sa office para sabihin ang happening... at nalaman naming nawawala raw exam papers namin hahahaha. pero nakita rin! (pati yung proctor naming kung saan saan pumupunta kasama yung exam papers namin). ok rin yung exam ko :D

sana pumasa ^_^

napagkasunduan namin ng barkada na magpunta ng SM para makapagpa-studio pic for the 1st time bago magsembreak! yey! kumpleto kaming siyam! ang saya ko talaga! kahit sandali lang yon... at sobrang napagod dahil nga walang tulog eh... sulit naman tong araw na to :D akala nyo nagcelebrate eh noh?! haha. hindi pa tapos exams namin! kaya lang kasi exempted kami sa PE exam bukas ^_^

haay.. inaantok na ako.... makatulog na nga....
*r0Vy* | 11:54 PM





uhmm... | Monday, October 02, 2006
i really like a new skin for my blog....

kaya lang yung nakita ko dati.. hindi ko na makita ngayon! aww...
*r0Vy* | 8:39 PM





| Monday, September 25, 2006
grabe... finals na namin next week!!!

as if makakapag-aral kami ahead.. eh busy for nursing week kasi Student Council Committee ako and syempre kasali rin kami sa contests.

and this major case presentation (nakakaiyak...) na kulang na kulang ang allotted time for preparations! kanina ko pa to ginagawa... nireresearch... haay...

initial data base... family nursing care plan... sana matapos ko na... at ng partner ko...

ang aga naman matatapos ng finals ko... October 2 - 7 ?!

ang aga kong mawawalan ng money!!! hahaha.

God will provide...^_^
*r0Vy* | 6:41 PM





Rock Out Loud!!! | Wednesday, September 20, 2006

Rock Out Loud!
A Nursing Acquaintance Party
Crossroad 77 Convenarium
September 16, 2006 (Saturday)
6pm onwards


Dahil sa nakapasa ako sa Secretariat ng Student Council Committee, kami ang in-charge sa registration and documentation for the said event. As Pamei (council Secretary) said, kailangan nasa venue na ako ng 1pm para tumulong sa physical arrangements and preparations. ok! nagkita kami ni Charra (Communications Committee) sa Mcdo QAve at nagtaxi papuntang Crossroad 77 dahil ang init!!! pagdating namin sa building pinapunta kami sa Production Room sa 2nd Basement. Nandun yung mga ateng naggugupit ng big letters for the backdrop. I, Charra and our other classmates (Socio Civics Committee) went out for lunch after receiving our committee IDs. dapat nga pupunta kaming ABS-CBN…malapit lang eh. Sali muna kami sa Wowowee! haha. para mabilis, dun na kami naglunch sa tapat ng venue. Shanki Food Express. Nakita namin si Diether Ocampo! ang puti! tumatakbong tumawid papuntang Crossroad 77! pagbalik namin, tumulong kami sa paggupit ng letters at nautusang pumunta sa main door to guide yung mga darating na committee at performers. ang tagal namin dun! wala naming dumarating kasi 2pm palang… tapos… dumaan sa harap namin si Diether! nanigas kami eh. haha. sabi ng mga guards… maghintay lang daw kami, si Piolo naman mamaya-maya. nandun daw siya pag umaga at hapon, pati si Kristine Hermosa. haha.


Boring! kaya naghanap kami ng gagawin… from the ground floor, bumalik na kami sa basement. Bukas na yung Convenarium! oh my!!! ang ganda!! ang laki!!! so, pasok kami at tumulong sa gawain sa stage. Either maging masking tape dispenser ka or maging balloon pump!!! haha. pinili ko na lang yung pagiging pump kasi ang dami nilang nagdidikit ng tape sa big letters. grabe!!! nakapag blow ako ng 6 big and 2 small balloons! mas nahirapan ako sa small eh..haha. ang sakit sa pisngi! walang nabiling pump eh… araouch… ayan.. dikit na lang ng dikit ng letters, foils, balloons, CDs. ok na ang stage! set-up na sila ng sound system. and we’re ready to rock!


Meet the Secretariat Committee ^_^Around 5, nagbihis na kami ni Pam… na-assign kasi kami sa registration. I met ate CK, Pamei, Albert and Bryan… also, Stemely. I’m assigned sa faculty. (naku, naiwan ko pala kay Albert yung pen ko!) buti na lang Stemeley helped me out and sya na ang pumalit sa akin coz I have to take pictures inside eh… official photographer ako together with ate CK...yeah!
I also met Arth (Video) and Camille (see our pic above).


Hindi nga pala ako kumain… aside sa mahahaba ang pila (soooobra!) at kahit may catered table for the committee… naubusan kami ng food… may pumila yatang hindi committee eh… at hindi ako pwedeng mawala… I need to take pictures talaga and lagi akong hinahanap ni ate CK. nung nakita ko si Arth… I asked her if she ate already. sabi nya hindi pa.. pumunta uli kami sa food corner namin to see if nirefill nila ng food… wala talaga.. aww… we’re so hungry and pagod… nakita kami ni kuya Stephen (SC President) and he said, “Thank you so much for doing that… I’m sorry, I know you’re hungry…” then, sabi nya sa akin… “Will I do that for you?..” aww… ang bait!!! pero syempre hindi pwede ^_^ then, there came ate CK and kuya Stephen said to her, “I need their names aryt?” “Oo naman!... they’re my… Angels!” haay… tapos sa table na yun may nakita akong two muffins… so kinuha na namin yun! hahaha. hinati ko yung sa akin at hinanap ko si ate CK to give her the other half… gutom na talaga yun kanina pa eh… haggardness!!! hahaha. I saw her backstage. She asked me if I already ate… sabi ko, not yet but I’m looking for her to give the other half of my muffin. She hugged me and said thank you… (gutom na nga talaga…mangangayayat yun! ginugutom nyo! haha) she pulled me to the right backstage and said magpapicture ako sa vocalist ng calla lily… hiya ako… pero aalis na siya so I asked… “pwede pong magpapicture?” waaah!!! haha. first time! kaya lang malabo yung pic by ate CK eh… yung vocalist pa sana ng protein shake kaya lang nakatalikod… magpeperform na sila. pero nagkabungguan kami kanina!! wahaha. kausap ko kasi si charra and jezelle backstage tapos pag turn ko sa back ko…boom! sorry po!!!


I was so like the luckiest one kaya! hahaha. yung tipong nakikipagtulakan sila sa harap while protein shake (may sakit kasi yung vocalist ng juana) and calla lily was on-stage tapos ako nakatayo lang at nagkukukuha ng pics sa taas mismo ng stage as in inches away lang from the band members! o’ cmon! haha. katabi yung manager/s nila na vinideohan pa ko! haha.


I was happy… I enjoyed my job, I met new friends, I’m behind the event’s success, ang dami kong first times! I have these sweet friends who are always asking me to eat and are always supportive (also nung nalaman nila na prospect ako for Ms. Nursing ng class… tatapusin daw nila yun kahit hindi nila natapos panoorin dati… pero sana wag ako! umaasa parin ako na back to dating plano na muse and escort na lang)… they’re pulling me to their food line (kahit hindi talaga ako makastay, alis ako ng alis)… they let me eat a part of their food… (sinubuan pa nila ko..haha)… at tinapos talaga nila yung event kahit 1am na nun para lang may kasabay ako umuwi... Thank you friends…. I love you all…


Ang daming bands and dance performances from school… ang gagaling!!! lalo na yung Dynamix Dance Company! woohoo! Challenge talaga kayo sakin when it comes to capturing your moves, grabe! kaya naman ^_^ whew! After everything… kinuha na ni ate CK yung memory card ng cam ko for documentation… buti nakabalik ^_^ see my pics here ha! ^_^

*r0Vy* | 5:26 AM





never again!!!! | Wednesday, September 13, 2006

haay... Wednesday nanaman... RLE nanaman!


may return demo kami ng bed bath... 2nd pair kami ni partner denisse!

hindi lang yun! dahil nga 6 lang kaming pumasa out of 51 sa class... may test kami about midterm topics.. pang-augment ng grade! grabe..nagbasa lang ako.. sana gumana ang stored knowledge ko..

dapat kasi last week yung return demo ng 1st 3 pairs per group eh... kaya nga lang dahil sa binagyo kami sa community! (haha) ngayon namove.. ngayong hindi na ko ganun ka ready!!! kabadong kabado talaga ko... kami ni pakner...

sana swerte ako sa mood ng C.I. ko.... (lagi nalang kasi akong malas sa kanila kaya... naaapektuhan grades ko...) ok! si ma'am Pares! first time ko sa kanya..sana maging ok!

ok... ako yung unang nagperform... si denisse nakahiga at paliliguan ko. ok na sana ang lahat... napagtitiisan ko naman siya... (medyo) tapos... habang nagpipiga ako ng washcloth at nagfoform ng mitt...

"Bakit may singsing ka?!?!" --Ma'am.

patay!!! (sa dinami dami ng araw... ngayon ko pa hindi hinubad!) dati naman iniinspect ko.. pero kanina... sooper hindi ko napansin! nasanay na kasi ako...tuloy parang wala ng nakalagay sa finger ko. pinagalitan ako, grabe!

"ok, minus 5 ka! pag nakita ko pang may ring ka uli.. magpass ka na ng violation form!"

pinakita pa talaga nya sakin na sinulat nya ng malaki yung "with ring" sa checklist ko...
haay, pero ok lang ^_^ mabuti ng nangyari yun. sobrang tatatak sa utak ko yun. hindi ko na mauulit pa ^_^ i got 93! woohoo! pero minus 5 naman. haha... 88 na lang. fair na for me. ^_^ what's more important is that i've learned a lesson from my mistake and i'll never do that mistake again.

demo time! nung ako na yung patient ni denisse... haay... ang sarap palang pinupunasan pag nakahiga... ang lamig sa pakiramdam... actually, yung feeling ng nakahiga sa kama ang masarap talaga! (pero ayoko namang maging pasyente in real life noh...)

after ko magdemo... "oh! baka suot mo nanaman!?" "hindi na po.. never na po..." ^_^

tapos after ko maglunch... nagpaxerox ako ng 18 pages hand-out sa labas ng school for our philosophy class tomorrow. ang init grabe!! mag-isa lang ako. nakasalubong ko yung dati kong crush (haay...) at sabi nya samahan na raw niya ko... (aww...) after long hours of waiting... (hindi naman..haha. 30 minutes lang ata..) tapos na! haha. "buti nalang sinamahan mo ko... ang bigat nito!" (haay...)

nawindang pa ko after ng lunch break... dumating naman yung community t-shirts namin! pinatawag ako at si treasurer ng president namin... (kinabahan naman ako...bakit kaya?) yun pala t-shirts ng buong second year! oh! com'n!!!! haha... kami mag-sosort?! haha. masaya to! so bilang ng S, M, L, XL, XXL... sus! tapos paghiwahiwalayan sa bawat section... araouch! (aray and ouch!) sakit sa balakang kahit gamitan pa ng body mechanics! haha. ididistribute pa. tapos nautusan uli ako na kumuha ng second attendance at grade nila sa last demo. so hectic?! ahaha. maya-maya..ayan nanaman si ma'am pares! (ang room kasi namin...hinati sa dalawa. isang skills laboratory...yung puro bed and demo equipments tapos hinahati lang yun ng divider. yung room talaga is yung other side... na naka-elevate bawat rows.)

Ma'am: "nasaan president nyo?"
Class: "wala po"
Ma'am: "eh vice?"
Class: "kasama nya po sa meeting.."
Ma'am: "eh secretary?"
....ok... punta naman ako agad! "ligpitin mo nga itong kalat na ito (yung bulto-bultong t-shirts) parang basurahan na dito..mapapagalitan tayo."

haay...haha! si ma'am talaga. natawa nalang ako eh. haha. so ang ginawa ko... tinago ko sa likod ng tables!!! hahaha.

yun... tapos na ^_^
*r0Vy* | 7:10 AM





simply unforgettable... (haha!) | Sunday, September 10, 2006
wooohooo!!!

UAAP Cheerdance 06
September 10 (Sunday)
Araneta Coliseum

with Jeni (UST), George (Ateneo), Neil (UST), and Pao (UST)...
ako (FEU..pero parang hinde... NRMF ako eh..puro aral lang! haha)

first time ko! ^_^

akala ko nung una... kakanta ng national anthem?! invocation lang?!
akala ko nung una... mas gugustuhin ko pang manod nalang sa TV because of the first performances... pero iba na nung yung mga bigatin na ang nagperform...mas gusto ko na pala dito! haha. besides, i love the noise! lalo na yung drums sa likod namin..haha! ang sarap sumigaw na hindi ko masyadong magawa pag nasa bahay lang... haha. gustuhin ko mang umupo sa may tamaraws... pero... ang layo nila at punong puno! anyway, sa ateneo side kami umupo ^_^ ayoko namang tumayo noh! and besides, ateneo naman si bes so pwede. everyone was cheering for USTe! (Go USTe!) i cheered for Ateneo too! (Go! Ateneo!) and syempre sa FEU! (Let's Fight, Tamaraws! Let's Fight!). napansin ko... every team improved. may lumitaw talagang best pero sa bawat team merong something na mapapapalakpak ka. mayabang lang yung isa... yung isa astig ang pagiging sport at sa huli eh pinlay lahat ng drumbeats ng universities... may crowd na maganda tignan.. nangingibabaw ang yellow sa suot at choreo! (go! feu!) kahit malayo ako...nasa puso ko parin kayo... haha. nandun kasi ako sa tapat nila. sa may ateneo. imagine ang layo. pero mag-isa ako dung tumatayo at tumitili... hindi ko mapigil eh! ang ganda ng effect ng costumes nila! galing nila! kahit may ilang sablay..ok lang yun! natabunan ng stunts!
haay.... high na high! syempre, walang tatalo, USte! nakita ko si Mesina...skulmate namin dati.. wow! sumasayaw na sya.. dati trainee pa lang. iba talaga pag Salinggawi ^_^ sobrang uniform ng pagka-graceful. astig ng ending..yung portrait..kumikinang pa yung U S T...astig! haha :)
ang ganda ng costume nila! (pero mas maganda yung samin, hahaha) at nung tigger balloons na gusto kong kunin pati si Tiger mascot...rar!!! hahaha.
ang ganda rin ng costume ng Ateneo. ganda ng kulay tska pag sumasayaw sila para silang chocolate :) may silver tapos royal blue... waaah! gusto ko tuloy ng cadbury at hersheys..haha.

may nangyari pa sa akin... basta.. haha.. buti na lang nandyan friends at best friends ko... whew!
salamat sa inyo!!! sobra!!! galing ni God!!! thank you to my sweet best friends ^_^

well, well... tama yung hula ko sa placers...
3rd - UP - 91%
2nd - FEU - 93%
1st - UST - 94%

ok...good night... ang dami ko pang gagawin this week so tinatapos ko na yung I.T. hw ko tonight. (na hindi ko yata kayang tapusin...). Hindi nga pala natuloy nanaman yung BS namin last saturday...help me in praying na sana matuloy na next saturday at makumpleto kami ^_^. Thank you, Lord na ok yung PDL reading namin... nabebless ako sa sharing namin lalo na kay Joyce... nakikita ko talaga sarili ko sa kanya, sana malead ko sya to His great love..
*r0Vy* | 8:21 AM





tagboard
say something...
links
blogskins
blogger
tickle
friendster
yahoo search
my multiply site --> photos
about me
about me? well my name is Rovy Jervis P. Malasan. i am 17 years old (turning 18 this November). i live in Fairview, QC. let's see.. i am into music, mostly OPM, Acoustic, R&B, Praise, bossa nova, and sentimental love songs. but i also enjoy pop and alternative rock! as for my hobbies.. i enjoy going out with my friends to movies (even if i usually sleep while doing so), the mall, and even restaurants as typical as Mcdo! Some trivia about me... I LOVE the nature that God has made...the sunset, the starry night skies, the flowers (family of lilies! my favorites are: amaryllis, stargazers and tulips. BUT, i appreciate any...as simple as white roses), the butterflies, stars, stripes, fruits, blue...wheew! the list goes on...
friends
  • Andrew
  • Ate Ivy
  • Ate Jenny
  • Ate Lorah
  • Ate Mae
  • Ate Marian
  • Ate Nika
  • Ate Normi
  • Ate Rhiza
  • Bij
  • Caleb
  • Chocnutz
  • Faith
  • George
  • Gino
  • Irish
  • ISCF
  • Jairus
  • Jaja
  • Jao
  • Jeline
  • Jeni
  • Jon
  • Josh
  • Kuya Dane
  • Kyra
  • Pito
  • Rach
  • RV
  • Shayne
  • Thessa
  • Tinay
pictures
i know... you can still wait :D